Lirik lagu MNL48 - Anata to Christmas Eve (Paskong Kasama Ka)


Lirik lagu MNL48 - Anata to Christmas Eve
Philippines Tittle: Paskong Kasama Ka
Terjemahan: -
(MNL48 Other Song - Team ? 1st Stage)

Original Lyrics: Yasushi Akimoto
Thai Lyrics: Trai Bhumiratna
Composer: SHUJI
Arranger: Ichinen Yamazaki


LIRIK

Wala nang iba pang mahihiling
Kung 'di ang manatili sa 'yong mga bisig
Mahimlay ako sa iyong dibdib
At masulyapan ka sa malapitan

Ramdam ang lamig ng simoy ng hangin
Mga ilaw ng kalsada'y sumisindi
'Di nais na umalis, dito sa iyong tabi
Bawat oras parang walang katapusan

Salamat sa Paskong kasama ka
Salamat sa walang pantay na ligaya
Alaalang aking ipakatatago
Masayang Pasko mahal ko

Wala man tayong sasambitin
Maging sa katahimikan dama ang pag-ibig
Sa gabing pinakamahalaga
Tayo'y narito at magkapiling

Pinatutuloy panahon na malamig
Na bumabalot sa ating dalawa
Atin lang pababayaan
Pagsasaluhan ang gabi
Mahalaga'y pag-ibig natin

Sa 'ting mundo, ako sayo'y nangangako
Sumusumpa sa 'yo tapat ang pag-ibig
At simula ngayon, iingatan kita
Masayang Pasko mahal ko

Salamat sa Paskong kasama ka
Salamat sa walang pantay na ligaya
Alaalang aking ipakatatago
Masayang Pasko mahal ko

Sa 'ting mundo, ako sa 'yo'y nangangako
Sumusumpa sa 'yo tapat ang pag-ibig
At simula ngayon, iingatan kita
Merry Christmas and I love you

Merry Christmas and I love you

Subscribe to receive free email updates:

0 Response to "Lirik lagu MNL48 - Anata to Christmas Eve (Paskong Kasama Ka)"

Posting Komentar