Ads Top

Lirik lagu MNL48 - 365 Nichi no Kamihikouki (365 Araw ng Eroplanong Papel)


Lirik lagu MNL48 - 365 Nichi no Kamihikouki
Philippines Tittle: 365 Araw ng Eroplanong Papel
Terjemahan: Pesat Kertas 365 Hari
(MNL48 3rd Single)

Original Lyrics: Yasushi Akimoto
Tagalog Lyrics: HHE
Composer: 
Arranger:


LIRIK

Tumingin sa langit ng umaga
Sa araw kung tawagin ay ngayon
Umaasang malalagpasan ng may ngiti
Tahimik na hinihiling

Kung minsan pumapatak ang ulan
Ngunit luha ay umaapaw
Mga araw na 'di umaayon sa'ting plano
Bukas pagsisipagan ko

Pangarap na'king inaasam
Sa pangako na malaya
Nagagawa lahat aking ninanais
Ito ang aking hangarin

Buhay ay eroplanong papel
Dala ang pangarap ito'y lumilipad
Kasabay ng pag-ihip ng hangin
Patuloy sa pagsunod

Sa halip 'di alintana ang layo
Kung saan 'to naglakbay at kung saan man mapadpad
Ito ang mas higit na mahalaga
Tibok ng puso ang gabay
Tatlong daan anim napu't limang araw
Pagkataong makita ang bituin
O gabing halos walang makita
Kahit nawawalan na ng pag-asa
Nakahanap ng sandigan

Sa iyong pinagdadaanan
Umasa ka, hindi ka nag-iisa
'Di mo lang napansin ang kabutihan
Ng mga tao sa paligid

Buhay ay eroplanong papel
Dala ang pag-ibig ito'y lumilipad
Magtiwala sa sarili at ika'y humayo
Lahat titingala sayo
'Di man bihasa sa mga darating
Bigla kong namalayan na ko'y namayagpag na
Mabigyan ng lakas ng loob at pag-asa
Tayo'y magsama't magsaya
Tatlong daan anim napu't limang araw

Buhay ay eroplanong papel
Dala ang pangarap ito'y lumilipad
Kasabay ng pag-ihip ng hangin
Patuloy sa pagsunod
Sa halip 'di alintana ang layo
Kung saan 'to naglakbay at kung saan man mapadpad
Ito ang mas higit na mahalaga
Tibok ng puso ang gabay
Tatlong daan anim napu't limang araw

Sige, lumipad ka
Subukang lumipad
Sige, lumipad ka
Subukang lumipad
Sige, lumipad ka
Subukang lumipad

Tidak ada komentar:

Diberdayakan oleh Blogger.