Lirik Lagu MNL48 - So Long!


Lirik lagu MNL48 - Kimi wa Melody
Philippine Tittle: Ikaw ang Melody
Terjemahan: Kamulah Melodi
(MNL48 4th Single)

Original Lyrics: Yasushi Akimoto
Tagalog Lyrics: HHE Entertainment
Composer: you-me
Arranger: Nonaka Masa Yuichi



LIRIK

So long (so long, so long)
Pilit ngumiti
So long (so long, so long)
Magkikitang muli

Nagsimula nang lumabas bulaklak sa sanga
Sakurang panahon ay kahit na malayo pa
Darating ang tagsibol sa kalendaryo makikita
Bulaklak ay darami sa landas ng pag-asa

Sabay nangarap sa magulong usapan
Nag-alala sa pag-ibig, mga luha ay pinagsaluhan

Kakampi lahat mga alaala
Para harapin ang bukas na may lakas
Kahit magkaroon ng hirap at dusa
Di ka mag-iisa, bawat problema'y kaya

Sa lupa na ating dati'y tinatakbuhan
Wag kalimutan, pinaghirapan ng lahat
My friend

Tayo'y magkayakap luha'y pinigil pumatak
Kahit pinangako na hindi ako iiyak
Pinawi ng daliri ang luha ng isa't isa
Pero sabay sa pagtawa bumuhos din ang luha

Tulad ng gabi na biglaan ang dating
Ang huling tunong ng kampana ay tunog ng bukas na darating

Muling gagawa ng alaala
Habang hinaharap ang bughaw na langit
Ang kasiyahan at kalungkutan
Sabay babaunin, ituturing na yaman

Kahit na magkaiba ang landas na daanan
Iisipin ko ako'y hindi mo iiwanan
Best friend

Oh bakit nga ba
Sakurang puno oh bakit may lungkot?
May oras namumulaklak
May oras minsa'y nalalagas
Kamayng orasan ay tingnan

Lala la lala
Lala la lala
Lala la lala
Lala lala la lala
Lala lala la lala
Lala lala la lala
Lala lala la lala

Kakampi lahat mga alaala
Para harapin ang bukas na may lakas
Kahit magkaroon ng hirap at dusa
Di ka mag-iisa, bawat problema'y kaya

Sa lupa na ating dati'y tinatakbuhan
Wag kalimutan, pinaghirapan ng lahat
My friend

Lala la lala
Lala la lala
Lala la lala
Lala lala la lala

Pagdating ng araw na ako'y ikakasal
Siguradong ika'y aking iimbitahan
My friend

Subscribe to receive free email updates:

0 Response to "Lirik Lagu MNL48 - So Long!"

Posting Komentar