Lirik Lagu MNL48 - Green Flash


Lirik Lagu MNL48 - Green Flash
Philippine Tittle: -
Terjemahan: -
(MNL48 5th Single - Coupling Song)

Original Lyrics: Yasushi Akimoto
Tagalog Lyrics: HHE Entertainment
Composer: Carlos K.
Arranger: Sasaki Hiroshi



LIRIK

Kaysa magmukmok sa sulok nang mag-isa
Umiyak ka sa gitna ng mga tao
Dahil sa luha malabo ang paningin
Mabait sa iyo, ingay ng mundo

Naramdaman ko na tayo ay maghihiwalay
Pero bakit randam pa din sakit na taglay
Minahal naman kita diba?
Di ko tinanggap ang pag-ibig mo, feel low
Kahit magpanggap kita naman ang totoo
Tinatago boses ay lumabas "love you!"
Masaktan man ako ng ilang beses magiging matatag pa rin

Bago ang takipsilim maging ganap na gabi
Naramdamang lungkot ay iwan muna sa tabi
Kahit na ang tahakin ay mahaba pa ayos lang
Baka maganda at masaya rin naman bukas

Nakakalungkot isipin ang kahapon
Mas mabuti pang sa harap ka lumingon
Kahit mabura pa ang mga yapak mo
Anino ng pagsisisi di mawala

Sa napanuod kong French na pelikula
Di ko malimutan ang sinabi nila
"Sa saktong paglubog ng araw
Sahuling sandali may berdeng ilaw na lilitaw
At kapag nakita mo ito ay sasaya ka
Ang ganda diba? Paalam na. Miss you!"
Masakit pero sana makitang nakatingin ka sa langit

Bago ang takipsilim maging ganap na gabi
Pagiisipan ko muli ang mga nangyari
Pipiliin ko nalang kung ano ang dadalhin bukas
At sa pag-uwi mas dahandahang maglakad

Ang pagbuhos ng luha ay nakakabuti
Natatanggal sa puso ang mga sakit
Kaya nitong tanggalin ang virus ng pag-ibig sanhi ng masamang pakiramdam
Ang ilang beses kang masaktan ay ilang-
Beses din may bagong makikilala
Kaya wag magpatalo sa takot
Just get stronger!

Bago ang takipsilim maging ganap na gabi
Naramdamang lungkot ay iwan muna sa tabi
Kahit na ang tahakin ay mahaba pa ayos lang
Baka maganda at masaya rin naman bukas

Kung ako ay magiging mas matatag pa
Siguradong mapapansin mo yon
Makikita mo pati ang ligaya ko
Green Flash

Subscribe to receive free email updates:

0 Response to "Lirik Lagu MNL48 - Green Flash"

Posting Komentar